Thursday, June 10, 2010

2010 UPDATES - the TRUTH shall Set You Free

Item # 1 - Tapos Na! Acquitted na si Danny Ramilliano sa pagkawala ng P7 Million! Ayon sa decision ng QC Prosecutor walang sapat na ebidensiya ang PCCI laban kay Danny. Paano naman mahina ang kaso sinampa nila, it was a case meant to loose from the start. Falsification of commercial documents ang sinampa laban kay Danny pero wala naman ebidensiya maliban sa affidavit ni Ting Bastos na forged and pirma niya. Ang tamang kaso na dapat na-isampa ay QUALIFIED THEFT at hindi Forgery. Hindi na tumutol ang PCCI sa decision na eto kaya naging FINAL and EXECUTORY na ang order ng prosecutor effective January 2010.

Hindi lang yan, sa 2009 financial statements wala na ang P7 Million sa libro ng PCCI. Written off as bad debts and ginawa ng KKK board para mabura na ang mabaho nilang kapalpakan. Palpak dahil nabuking ang kanilang sekreto, salamat sa natuklasan ni PCCI Director Atty. Jose Leynes na isang Certified Public Accountant. CASE CLOSED GOOD BYE 7 MILLION PESOS FOREVER.

Item # 2 - Kahit malinaw na pinagbabawal sa by-laws na ang isang tao ay hindi na pwede tumakbo bilang Direktor sa higit na 2 consecutive terms (4 years) and batas na naipasa ng KKK nung 2008 ay for everybody else pala except them. Tumakbo uli sina DINKY SANTOS, BONG NATIVIDAD, ROLAND GAPUS AT MILO VALDES etong May 2010 bilang Direktors for their third consecutive term. SOUNDS FAMILIAR?

Item #3 - Salamat sa Diyos at kahit paano may nilalang na may kunsensiya pa sa KKK Board. May bagong natuklasan uli ang whistleblower ng P7 Million scam na si Atty Jose Leynes na bawat buwan daan daan libong pisong unaccounted disbursements ang lumalabas sa kaban ng PCCI na walang Board resolutions. Walang mga supporting documents o resibo man lang puro bayad sa mga bogus na kompaniya o tao. Ang explanation ng KKK sa kaniya ay pambayad daw eto sa lagay sa mga corrupt na husgado na may hawak sa mga kasong nakasampa sa korte laban sa KKK. Siyempre wala naman recibo ang bribes di vah? Hindi na masikmura ni Atty Leynes ang kaniyang bagong natuklasan. Napaniwalaan nila noon si Atty Leynes na si Danny lamang ang magnanakaw sa Board ngayon wala na si Danny tuloy tuloy pa rin ang mga anomalya. Sa wakas namulat si Leynes sa katotohanan at kusang umalis na sa KKK Board dahil hindi siya masamang tao at ayaw niyang sumama sa mga magnanakaw. HAY SALAMAT NAGISING NA. Si Atty Leynes at Atty Jesse Andres ang umalis sa Board ngayung taon na eto dahil hindi nila gusto ang pamamalakad ng KKK.

Ang tanong! - Talaga ba sa husgado napunta ang pera o sa bulsa ng KKK Board??? TAKE NOTE mga kababayan, maliban sa dalawang direktors lamang, lahat ng ibang mga members ng KKK Board ay puro JOBLESS. Yung Income Tax Return ni Bong Natividad para sa kaniyang VISA application sa US Embassy, ang nakalagy na pangalan ng employer ay PCCI kakahiya noh!

Item #4 - Dahil nabuking ni Leynes ang walang katapusan na raket ng mga KKK, agad nagresign ang PCCI Treasurer na pumalit kay Danny na si JOHNNY FILART, pinsan ng PCCI President Bong Natividad. Bakeeeeet??? Kasi pag nalaman ng mga members at nagkaroon ng imbestigasyon sa mga anomalous disbursements, si JOHNNY ay makakasuhan ng ESTAFA dahil siya ang signatory sa lahat ng mga tseke. Buking……mataas naman ang posisyon mo sa AFPSLAI Bank paano kung malaman ng mga Directors ng bangko na may kaso kang ganito??? OH NO JOHNNY…resigning does not take away your accountability IKAW pa rin ang PUMIRMA SA LAHAT NG MGA TSEKE. Kahit saan lupalop ng daigdig kang magtago, o ilan beses maligo sa imburnal, hindi mo maibura ang mabahong papel mo sa KKK Board. LAGOT KA JOHNNY, the Presidential cousin. May KAMAGANAK, INC. din pala sa PCCI! .

Mga kababayan eto ang malungkot na katotohanan …..walang hinto ang pagnanakaw sa kaban ng PCCI members ang KKK Board of Directors. Isang araw magigising nalang tayong lahat at ubos na ang pondo at etchapwera na tayong lahat. Kasalukuyan naka sanla ang PCCI Activity Center sa Metrobank may loan kinuha ang KKK Board sa bangko. Ayaw ni Romulo Neri ang ganyan MODERATE YOUR GREED ika nga. Charing…………….

4 comments:

Anonymous said...

Totoo nga ang kasabihan, na the TRUTH shall set you free.
Kung nadismiss with finality ang kaso ng PCCI kay ginoong Danny Ramillano, eh kahit papano abswelto siya.
Ang tingin ko ganon pa rin ang problema sa PCCI. Ayan na nga at pati si Atty. Leynes and Mr. Filart nag resign may mga anomalies pa rin sa mga gastos at bayaran na wala namang mapakitang recibo!!! BAKIT KAYA!!! Eh di ba ganoon din ang naging problema noon. Kanino na naman kaya mapapasa ang problema.... abangan

Anonymous said...

Naka sanla ang PCCI Activity CENTER??!! Bakit naman? Ganun na bang walang ka pera pera ang PCCI?

chet said...

I am so upset with what I have read. I cannot believe that these things are happening at PCCI! Several years ago our group was able to change the core of the board of directors at PCCI with the objective of putting the right people who would work for the advancement of the club. To us then serving at the board of directors was a voluntary endeavor there were no perks that goes with it except the free dinner we had during board meetings. We were very prudent with the finances of the club then to an extent that we would entertain the judges out from our own pockets. Certainly the politics then at PCCI was ruthless but we manage to go on and move forward. We pride ourselves that during this time the club was able to get its affiliation with the AKC. Personally I was glad that PCCI was able to increase its membership, the number of all breeds shows increased, reputable foreign judges are willing to come over, the number of breeds increased (some I am not aware of), the quality our locally bred dogs were improving (some were even exported abroad), the roster of our local international judges increased and we were able to finally have our own office building and show grounds. Nonetheless, I am very dismayed that the present crop of directors of PCCI would even venture to use the finances of the club for their personal gain and totally forget that the funds of the club are those of its members and thus should be use to benefit its members! I find it very hard to believe that the club would be loosing money while its membership continues to grow. I am outraged that the funds misused are in the millions of pesos! I would like to appeal to the board of directors specially my compare to kindly think of the purpose we set out to do then with Jimmy Trillo.

Anonymous said...

Mukhang may pakana na naman ang PCCI!!! Matapos madeny ang appeal sa kaso ni Danny R. gumawa na naman ng "MAGIC" and PCCI.
Ni-railroad na ang kaso para pabor sa kanila. Grabe!!! Abra kadabra...
Nag save face kasi kahiya-hiya sila.
Ano naman kaya ang susunod nilang MAGIC na gagawin... abangan ulit