Umamin na si Danny Ramilliano tungkol sa kaniyang partisipasyon sa P7 Million scam. Ayon sa kanya, inaprub ng ex-com ang "loan" niya sa halagang P800,000.00 (Eight hundred thousand pesos). Pinirmahan ni Ting Bustos ang mga tseke payable to Danny Ramilliano Na inencash naman niya sa Metro Bank. Yung ibang members ng ex-com na sina Dinky Santos, Bong Natividad, Roland Gapus, Ting Bustos at ang PCCI Adviser na si Bob Castanos ay pawang may mga "loans" din. Nang nadiskubre ni Atty Joe Leynes na may nawawalang P7 million sa pondo ng PCCI agad agad tumawag si Dinky Santos ng emergency ex-com meeting sa payo ng mastermind na si Bob Castanos(ideya niya ang P7 million scam). Dito nagkaroon sila ng gentleman's agreement na hindi lalabas ang sekreto nila at si Dinky & Bob na ang bahala magpalusot kay Atty Leynes. Ang hindi nila inaasahan ay ang pagkwento ni Atty Leynes sa ilan members ng Board tungkol sa kaniyang natuklasan. Isa diyan sa nakwentuhan ni Atty Leynes ay si Milo Valdes. Sa mga hindi nakakaalam si Milo ay isa sa mga pinakatsismosong tao sa dog world. Ang lihim mo ay di mapapagkaila ni Milo. Sa isang provincial dog show unang kumalat ang balita. Biglang nagbago na ang plano ng ex-com dahil di na nila maitago ang sekreto kaya pinasyahan ng mastermind na kelangan pumili ng fall guy para mailigtas ang sarili. Sa kamalasan ni Danny, sa kaniya nila idiin ang lahat.
Sa wakas nagkaroon din ng liwanag sa P7 million pesos scam:
Tanong: Sa 33 checks na sinabi ng PCCI na encash ni Danny, 8 checks lang ang napresenta ng PCCI sa prosecutor bilang ebidensiya. BAKIT?
Ang Sagot: Dahil yung 8 tseke lang ang nakapangalan kay Danny at yung iba ay paid to "CASH". At kung susuriin ang mga tseke makikita sa likod ang pangalan, I.D.number at pirma ng mga empleyado ng PCCI na nag encash sa mga eto. Clue: isa sa mga PCCI managers na may pirma sa likod ng ilan tseke ay may initials S.P.T. kaya nasagot din ang pangalawang tanong kung bakit walang empleyado nakasuhan ng PCCI bilang co-conspirator ni Danny. Dahil pag ginawa nila yan madadamay ang ibang direktor hanggang sa Chairman of the Board at Presidente.
Basahin ang mga entries mula 2008 sa blog na eto para malaman mo ang buong pangyayari.
In fairness - Hindi LAHAT ng direktors ng PCCI ay nakinabang sa P7 million pesos. Salamat naman at sobrang swapang ang mga membro ng ex-com at sinolo nila ang pera kaya lumabas ang kanilang baho. Moral lesson: learn to share the spoils so everybody happy & your secret will be safe.
No comments:
Post a Comment