BIG SCANDAL IN SMALL DOG CLUB - A true story from the mouth of a Philippine Canine Club, Inc. (PCCI) DPA insider.
Bago matapos ang taon may bagong scandal nanaman nagaganap sa PCCI. Tawagin natin “THE 7 MILLION PESO SCAM”. Dahil sa kaswapangan ng ilang mga nakaupo sa Board di kayang mabusog ang kanilang malaking pagnanasa sa pera ng CLUB na hindi nila pinaghirapan. Di nakuntento sa mga commissions, overpricing at padding na dati nilang gawain, eto na pumasok na sila sa garapalan pagnanakaw.
Main Cast: Augusto Benedicto Dinky Santos, Ronnie Bong Natividad and Danny Ramilliano. Sila mga signatories ng PCCI bank accounts nung naganap ang krimen.
Natuklasan ng isang bagong pasok (newly elected last May 2008) na Board of Director na CPA (Certified Public Accountant) ang scam na eto habang kinikilatis niya ang mga withdrawals sa bangko. Gusto kasi malaman ni Director CPA bakit pa-ubos ang pera ng Club samantalang malaki ang araw araw na collection. Kasabwat ang dalawang managers ng PCCI sa kalokohan ng Main Cast of characters. Para sa inyong kaalaman pinahiram ng Board na tig kalahating million piso (P500,000.00 EACH) and dalawang PCCI managers na eto para bilhin ang kanilang loyalty at silence. Si Mr Manager dati source of information sa mga kalokohan nagaganap sa loob ng PCCI pero ngayon wala ka na maririnig mula sa kaniyang bibig. Money Money Money I Love Money. Si Mrs. Manager naman ang tanging empleyado na pinagkakatiwalaan ng mga KKK (KANYA KANYANG KURAKOT) gagawin niya lahat ng utos ng kaniyang mga amo sa Board kahit labag sa batas o illegal.
Balik tayo sa 2007. Nakaisip ang MAIN CAST bagong plano kung paano pa kumita ng madaling pera dahil matatapos na ang kanilang terms sa May 2010 at hindi sila pwedeng bumalik sa Board till May 2011. Mula 2007 hanggang nabuking ang kanilang SCAM ni Direktor CPA sa third quarter ng 2008 sunod-sunod ang withdraw nila ng pera sa bangko. Si Mr & Mrs Manager ang inuutusan pumunta sa bangko para mag withdraw ng pera dahil kilala sila ng mga empleyado ng bangko walang tanung tanung pa. Nung binilang ni Direktor CPA ang buong halaga na nawala sa kaban ng PCCI halos lumuwa ang mata niya nang makita MORE THAN SEVEN MILLION PESOS MISSING AND UNACCOUNTED FOR FROM THE PCCI BANK ACCOUNT.
Balik naman tayo sa Main Cast. Nakaisip sila ng palusot sa pinasukan nilang problema. Isa sa kanila ang maging FALL GUY at si Director FALL GUY nalang ang solong aako sa krimen. Ipapalabas na di alam ng dalawa niyang kasama ang nangyari at na-forge ang kanilang pirma sa mga withdrawals. Sabi ng dalawa kay FALL GUY mabuti nandiyan pa sila sa Board para ipagtanggol si FALL GUY kasi kung sabay silang lahat masangkot di nila pwdeng ipagtakpan ang krimen. Pumayag si FALL GUY sa plano kaya nagkaroon ng elekson ang PCCI para sa bagong set of officers nung September 2008. Si Danny Ramilliano ay pinalitan bilang Treasurer at ang pumalit sa pweso niya ay si Johnny Filart na pinsan buo naman ni Bong Natividad na siyang naging bagong Presidente at si Dinky Santos naman naging Chairman of the Board.
Nag report si Director CPA sa Board of Director's meeting at sinalaysay ang kanyang findings, "FORGERY" agad tili ng dalawa sabay taas ang kilay. Kelangan magaling ang istorya at pang famas award acting nila para makumbinsi ng buong grupo ng KKK si Direktor CPA (na wala pang alam tungkol sa matagal na nakawan nagaganap sa loob ng PCCI) na di mapupunta sa wala ang kanyang natuklasan. Hindi nagtagal nag-pasa sila ng resolution na mag file ng CIVIL CASE ang PCCI para maibalik ang pera at tapos na ang istorya.
GANUN BA NALANG?????
Bakit CIVIL CASE di ba ang FORGERY ay CRIMINAL??? Dapat CRIMINAL CASE ang i-file ng PCCI!!! Dahil ba kapag criminal case di papayag si FALL GUY na siya lang aako sa kasalanan at kakanta na siya??? Ilan ba talaga ang nakinabang sa P7 Million??? Siguradong hindi isang director lamang ang involved sa Grand Conspiracy to milk the Club dry before their terms end. Bakit si Mr & Mrs Manager di rin kasuhan ??? ACCESSORIES sila sa naganap na krimen dapat pati sila makulong!!! Si Mr & Mrs Manager naman ang nakapirma sa vouchers na sila ang tumanggap ng pera sa withdrawals dapat lang sila managot din!!!! Ganun nalang ba kadali yun??? Ang BANGKO naman kung totoong FORGERY ang naganap, di ba dapat ang kasuhan ng CIVIL CASE ay ang bangko kasi forged ang signatures pero ipinalabas nila ang pera? Dapat mag-ingat din sila kasi pwedeng balikan ang PCCI kapag napatunayan ng bangko walang forgery naganap. Bakit si FALL GUY lang ang kakasuhan? Ang malungkot na katotohanan....Paano ang PERA NG MEMBERS??? Another WHITEWASH!!! WALANG BALAK ANG PCCI GUMAWA NG MALINIS NA IMBESTIGASYON PARA MAPARUSAHAN ANG MGA MAY KASALANAN. Dapat agarang EXPULSION ng DIRECTORS & TERMINATION of EMPLOYEES INVOLVED TOGETHER WITH THE FILING OF THE CRIMINAL CASE IN COURT! Hindi naman nila isasauli sa atin ang pera nating kanilang ninakaw!!!
Ang mahalagang naging ARAL sa mga KKK:-- HUWAG uli MAGPASOK NG BAGONG DIREKTOR NG DI NIYO HAWAK SA LEEG. Walang sekreto hindi mabubunyag. Pag may usok may apoy...di po ba?
ABANGAN ANG SUSUNOD NA KABANATA...
No comments:
Post a Comment